Stock Market 101 in Tag-lish - Part 1

Ano nga ba ang stock market? Market in tagalog is palengke so in short ito ay isang palengke. Palengke ng mga kumpanya na naka-rehistro sa SEC (Securities and Exchange Commission) at sa PSE (Philippine Stock Exchange). Ano daw? Para mas maintindihan natin, alamin muna natin pano nagiging publicly-listed ang isang company.

Kung magpapatayo ka ng isang business, pwedeng sole proprietorship, partnership or corporation. Ang mga nagpaparehistro sa SEC ay mga corporation. Pwedeng non-stock** or stock* corporation. Ang mga stock corporations lang ang allowed sa palengke. 

*Stocks or shares - ito ay isang patunay na isa ka sa may-ari ng kumpanya
**Non-stock corporations - ang mga owners ay hindi nag-iisue ng stocks. Parang cooperative, ang tawag sa mga owners ay members. Example: charitable institutions

Ngayon, kung napaka-successful ng iyong business at kelangan ng malaki-laking capital para mag-expand, naisip mo na sa public ka na lang magpapa-pondo kesa umutang ka sa banko. At para mangyari yan, kelangan mong magparehistro ngayon sa PSE. Ichecheck ng PSE ang financial condition, stability, integrity, sustainability etc. ng iyong company bago ito aprubahan. At kung ok na at nasubmit mo na rin lahat ng requirements, eto na yung tinatawag nilang IPO (Initial Public Offering). Ito ay para sa mga companies na first-time magbenta ng kanilang stocks sa public. Kung mapapansin ninyo, pag gusto ninyong bumili ng IPO, meron silang prospectus kung saan pinapaliwanag nila para saan yung makukuha nilang pondo. Sa prospectus na ito, dito ka mag-dedecide kung gusto mong bumili o hindi. Yung iba bumibili for the sake of trading. Lalaruin lang nila yan for the first few days. 

Tulad sa isang palengke, kung ikaw ay isang mamimili, minsan makikipag-tawaran ka or minsan wala kang paki-alam sa presyo, gusto mo lang bumili. Kung ikaw naman yung tindera, minsan pumapayag ka sa tawad or minsan hindi. Ganyan din sa stock market. Depende kung nasaang side ka, ikaw ba yung mamimili or ikaw yung tindera.

Kung sa palengke may mga categories tulad ng prutas, meat, vegetables etc, sa stock market meron din. Ito ay Financials, Industrial, Holding firms, Services, Mining & Oil, Property. Ito ay mga sector indices. Meron din sila nung tinatawag na PSEi kung saan eto yung top 30 companies or kung tawagin ay blue chips. Itong top 30 ay ina-assess sa kanilang full market capitalization (public float and liquidity eligibilities). Sa mga companies na hindi pumasok sa top 30 pero eligible, nilalagay ng PSE sa reserve list nila.

Para malaman kung anu-ano ang mga companies under each sector, i-check ninyo ang PSE website.

Sana naintindihan ninyo kung ano ang stock market. So kung gusto ninyo maging may-ari ng Jollibee, SM, Meralco etc, dito kayo pumunta sa stock market. Paano? Kelangan ninyong mag-open ng account sa isang stock broker. Para malaman sinu-sino ang mga registered brokers, you can click this link - stock brokers. Pero kung may account kayo sa banko, pwede kayong mag-open sa kanila.


Comments

Popular posts from this blog

Centrelink: Benefits and How To Claim

My First Investing/Trading Books

Will I Continue Paying My SSS or Not?

Book Depository