Paano Nga Ba Kumita Sa Stock Market?

Ngayon na naintindihan na natin kung ano ang stock market, paano nga ba kumita dito?
 
May dalawang paraan kung paano kumita sa stock market. Ito ay:
 
1) Pagtaas ng Presyo (Price Appreciation) - eto ay kung saan nabili mo yung stock sa murang halaga tas biglang tumataas yung presyo habang tumatagal. Pwede din bumaba yung presyo depende sa mga balita tungkol sa company or sa Pilipinas or sa ibang bansa na pwedeng maka-apekto sa market.
 
Halimbawa: Nung 2010, ang Jollibee ay nagkakahalaga ng P50++ per share. Tapos nung 2012-2013, ang isang share ay nagkakahalaga ng P100-P170++. Nung 2015, naging P200++ per share ito. Nag-P250 nung August 2016 kung saan ang index ay umabot ng 8100 pero nung November 2016, bumaba yung presyo ng P208 at ganun din ang index (6800) dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari tulad ng halos kakatapos lang ng election sa US, inaantay yung fed rate hike sa December at kung ano pang balita.
 
Kung nakabili ka noong 2010 ng 500 shares @ P50 at naibenta mo noong nag-P208 ang price, may gain ka na mga P79,000 gross (hindi pa kasali dyan yung mga fees. Para malaman mo ang net gain mo, ibawas mo ang fees na nabangit natin sa previous post (buying & selling transaction costs).
 
2) Dibidendo (Dividends) - binibigay ito ng company sa mga owners as a distribution of a portion of their earnings. Pwedeng cash, stock or property.
 
Halimbawa:
 
A) Cash dividend - nagdeklara ng cash dividends ang JFC for the year 2016. You have 500 shares. Kung hindi mo nabenta ang shares mo nung Nov 22, makakatanggap ka ng P837 in total para sa 2016 (500 shares x P1.86 x 90%). Yung 10% ay withholding tax.
 
B) Stock dividend - instead na cash ang ibigay, dadagdagan yung shares mo. Halimbawa ang DNL ay nagdeklara ng 100% stock dividend noong 2015. May 500 shares ka. Ngayon pag-dating ng September, makakatanggap ka ng 500 more shares. So may 1000 shares ka na.
 
Tandaan: Pag nag-declare ng stock dividends at malaki-laki ito sa 25%, mag-aadjust din ang presyo sa market. Bakit? Kasi nadagdagan din ang total outstanding shares ng company. Kung mapapansin nyo pati yung average price* mo ay mag-aadjust.
 
*Average price - Total Cost (including fees)/Total Outstanding Shares
 
C) Property dividend - bihira ito mangyari. Usually I-ooffer ng company ang isang subsidiary or company na hawak nila kapalit ang ilang shares mo. Halimbawa si Philex Mining (PX), nagdeclare ng property dividend noong March 2016 kung saan kung gusto mo ng PXP (Philex Petroleum Corp) shares, ang ibabayad mo lang ay 100 shares of PX shares to avail 17 shares.
 
 
Ang isa pang dapat tandaan sa dividends ay ang mga dates:
  • Ex-date - kung gusto mong maka-receive ng dividends pag nag-dedeclare ang isang company, kelangan makabili before ng ex-date at kung ikaw naman ay nagbebenta, kelangan mabenta on or after ex-date. Halimbawa yung Jollibee. Pag buyer ka, kelangan makabili ka bago mag-November 23. So dapat makabili ka November 22. Pero kung ikaw ay isang seller, kelangan ibenta sa mismong November 23 or kinabukasan (November 24).
  • Record date - ito ang date kung saan dapat nasa company's books ang hawak mong shares para makareceive ng dividends. Ang company na ang bahala dyan. Hindi na natin problema.
  • Payable date - ito ang date kung saan babayaran ka na nung dividends. Icre-credit nila ito sa account mo. Kung ang shares mo ay uplifted (pina-convert mo physical into stock certificates), ipapadala nila ang dividends mo by cheque kaya siguraduhin mo na tama ang address na niregister mo sa kanila.

Sana naintindihan nyo paano kumita sa stock market. #Happy Investing!! Good Luck!! Caveat!!

Comments

Popular posts from this blog

My First Investing/Trading Books

Will I Continue Paying My SSS or Not?

Centrelink: Benefits and How To Claim

Book Depository