Paano Gumawa ng Stock Monitoring sa Excel?

Katulad ng pag-bubusiness, ang stock market ay kelangan mo din ito imonitor. Bakit? Di ba kaya ka nag-iinvest ay para paluguin ang iyong pera? Pano mo malalaman kung lumalago ito kung hindi mo imonitor? Pag meron ka neto, mas maiintindihan mo yung mga mali mo. Dito mo din makikita kung malapit mo ng ma-hit yung target mo.
 
Sa akin, ang stock monitoring ko ay may 5 sheets.
  • Stock Ledger - actually cash ledger yan. Dito ko tinatally kung pareho kami ng broker sa natitirang buying power. Pwedeng wala na ito. Ganito sa akin:
 
  • Stock Sched - eto yung mas detailed na schedule. Naka-filter ito para pag nabenta ko na ang isang stock, hinihide ko lang sya sa schedule. Nakakatulong din ito para malaman ko kaagad ang average price ko kung magdadagdag ako or ang gain/loss ko if I cut at a certain price.
 
  • Stock Summary - same sya pag chinecheck nyo yung portfolio nyo. Pero monthly sa akin so alam ko kelan up ang portfolio ko at kelan down. Malalaman ko din ditto magkano ang unrealized gain/loss ko.
  • Gain/Loss - listahan ko ito ng mga realized gain/loss ko. Nasa stock schedule sya pero sineparate ko sa akin kasi, hinihide ko yung mga stocks pag wala na ako stock position doon.
  • Stock Calculator - bihira ko ito magamit since copy and paste ko lang yung formula sa stock schedule ko. So doon na ako mismo nagcocompute para alam ko magkano agad ang average price ko if I add more shares or how much ang gain/loss ko if I sell.
So ayan, pwedeng ganyan ang format or meron yung mga downloadable excel sa internet.
 
Happy Investing!! Good luck!!
 
 
 

 

Comments

Popular posts from this blog

My First Investing/Trading Books

Will I Continue Paying My SSS or Not?

Centrelink: Benefits and How To Claim

Book Depository