How To Protect Your Capital?

Palaging naririnig natin yung aral bago invest pero ginagawa ba natin? Yung iba kasi pumapasok sa pag-iinvest na hindi naiintindihan even the basics tapos pag nalulugi, magtatanong sa facebook kung ano ang gagawin. Ano nga ba dapat ang gagawin?

Una sa lahat, bago pasukin ang stock market, dapat alam mo anong purpose mo sa pag-sali. Kung pang-short term lang ba or long term. Sunod, dapat alam mo yung magkano ba ang kaya mong mawala sa pera mo. Eto yung tinatawag na risk/reward ratio. Pag alam mo na ang mga ito, planuhin mo na yung trade mo. Always always plan your trade especially if you bought or have penny "basura" stocks in your portfolio.

Suggestions:

1) Stick to one blue chip or undervalued stock if you have a budget below P10,000. Bakit? The more volume you have, the better if the price goes up. Pag down ang market, makapag-average down ka unlike if ang dami mong hawak na stocks. Hindi mo alam san ka magdadagdag. Huwag mainggit sa ibang stocks kung lumilipad. Just focus. If the portfolio is around P50,000, pwede ng mag-diversify.

2) Kung may plano ka mag-trade, I would suggest hatiin mo yung pera mo. Diversify kumbaga. Try only 10-20% sa pera mo muna to know whether kaya mong makipagsabayan. Kung ano yung kita mo dito iroll-over mo lang, just make sure na if naipit ka, cut agad once it hits your stop loss para maprotectahan yung capital.

3) What I learned also, though medyo nahihirapan akong i-apply sa sarili ko because medyo emotional ako sa mga stocks na hawak ko is yung stop loss points mo should be at least above your average price. So parang break-even sya. What if it went down below your average price? Well, dun na papasok yung risk/reward ratio. Magkano ba ang kaya mong mawala? P500? P100? Just have the courage to cut once it hit your stop loss price. (Applicable for those into basura plays)

So far yun ang mga natutunan ko paano ko naproprotektahan ang capital ko. I have the courage to cut especially if the stock I bought is hindi ganun kaganda ang fundamentals nya. I have one stock and my loss is huge that it's wiping my gains but I don't want to let it go because I can see something in the company. My sell signal for me would be the upcoming (2nd quarter) financial statements.

#Happy Investing Kabayan!

Comments

Popular posts from this blog

My First Investing/Trading Books

Will I Continue Paying My SSS or Not?

Centrelink: Benefits and How To Claim

Book Depository